Nakatutulong ang pointing board para sa postpartum checkups/visits
Ang "Mother's Tree Japan" ay isang non-profit na organisasyon na sumusuporta sa mga dayuhang babaeng naninirahan sa Japan sa kanilang pagbubuntis hanggang sa panganganak, pati na rin ang ibang aktibidad na may kaugnayan dito.
Ang website ng "Mother's Tree Japan" ay nag-aalok ng "Pointing board para sa postpartum checkups/visits"" para sa mga dayuhang babaeng nanganganak sa Japan. Sa Japan, binibisita ng mga public health nurse at midwife ang mga pamilyang may mga sanggol. Mayroon ding isang buwang pagsusuri para sa mga sanggol sa mga ospital. Ang pointing board ay nagpapakita kung ano ang gustong sabihin ng mga dayuhang ina sa doktor, nars, o midwife ("Masakit ang katawan ko," "Pagod na pagod ako," "Nababahala ako sa pagpapalaki sa anak ko," atbp. .) sa parehong wikang Hapon at banyaga. Available ito sa Ingles, Espanyol, Portugues, Intsik, Thai, Tagalog, Vietnamese, Indones, Burmese (Myanmarese), Bengali, Nepali at Arabe. Sa pamamagitan ng pag-click sa bandila ng bawat wika sa naka-link na pahina, ang wika ay ipapakita.