Plano ng kapanganakan
Ang "Mother's Tree Japan" ay isang non-profit na organisasyon na naglalayong tulungan ang mga dayuhang babae na naninirahan sa Japan mula sa kanilang pagbubuntis, pangaganak at habang pinalalaki nila ang kanilang mga anak. Nagbibigay-suporta rin sila sa kanilang mga pangangailangang may kaugnayan dito.
Makikita sa website ng "Mother's Tree Japan" ang banyagang bersyon ng "Plano ng kapanganakan". Ito ay may format na kung saan ay maaari mong isulat ang iyong mga plano at kahilingan para sa iyong pagdadalang tao, kabilang dito ang ang plano sa iyong pagbubuntis hanggang sa iyong panganganak. Ito ay magbibigay-daan sa malinaw na paghatid ng iyong saloobin sa’yong doktor o midwife kung paano masisiguro ang iyong maayos na panganganak. Available ito sa English, Spanish, Portuges, Chinese, Thai, Tagalog, Vietnamese, Indones, Burmese (Myanmarese), Bengali, Nepalese at Arabe. Sa pamamagitan ng pag-click sa bandila ng bawat wika sa naka-link na pahina, ang wika ay ipapakita.
Ingles | Espanyol | Portuges | Intsik | Thai | Tagalog | Vietnamese | Indonesian | Burmese | Bengali | Nepali | Arabe | |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Plano ng kapanganakan | ○ | ○ | ○ | ○ | ○ | ○ | ○ | ○ | ○ | ○ | ○ | ○ |
Pindutin ang ○ na nasa itaas, makikita ang mga impormasyong nasa item na napili.
Iba pang proyekto sa pangunguna ng "Mother's Tree Japan"
Bilang karagdagan, ipakikilala namin ang mga proyekto ng "Mother's Tree Japan", isang non-profit na organisasyon na nagbibigay-tulong sa mga dayuhang residente ng Japan.
- Mga klase ukol sa paghahanda ng ina gamit ang katutubong wika: Nag-aalok sila ng mga klase ukol sa paghahanda ng mga ina gamit ang kanilang katutubong wika. Ang paraan ng pagpaparehistro ay makikita sa website. Sa pamamagitan ng pag-click sa bandila ng bawat wika sa naka-link na pahina, ang wika ay ipapakita.
- Kasamang serbisyo: Para sa mga dayuhang babaeng nanganganak sa Japan, nagbibigay sila ng karagdagang serbisyo para sa mga panayam sa mga institusyong medikal, institusyong pampubliko, mga grupong nagpapalaki ng bata, at mga nursery school. Available ang pagpaparehistro nito sa website. Sa pamamagitan ng pag-click sa bandila ng bawat wika sa naka-link na pahina, ang wika ay ipapakita.
- Libreng impormasyon sa panganganak: Para sa mga dayuhang babaeng nanganganak sa Japan, maaari silang padalhan ng mga libreng materyales na naglalaman ng impormasyong kailangan sa panganganak. Available ito sa wikang Ingles, Intsik Thai, Vietnamese, Indones, Burmese (Myanmarese) at Nepali. Magtungo lamang sa website para sa pagpaparehistro. Sa pamamagitan ng pag-click sa bandila ng bawat wika sa naka-link na pahina, ang wika ay ipapakita.
- Konsultasyon ng ina gamit ang katutubong wika: Ang konsultasyon sa katutubong wika ay inaalok sa mga dayuhang ina nang walang bayad. Available ito sa Ingles, Intsik, Thai, Vietnamese, Indones, Burmese (Myanmarese), Bengali at Nepali. Ang pagpaparehistro ay makikita sa website. Sa pamamagitan ng pag-click sa bandila ng bawat wika sa naka-link na pahina, ang wika ay ipapakita.